Anong saysay ng buhay, kung wala si nanay at tatay?
Mula pagkabata, sila ang umaalalay.
Sa bawat lumbay at lungkot, sila ang karamay.
Sa bawat tawanan at kagalakan, andyan sila sumasabay.
Naghahanap ng pang-araw.araw na pantustos,
Kaya't dapat nating sundin kanilang utos.
Ginagabayan lahat ng ating kilos
Pagmamahal lang nila'y gustong maipakita ng lubos.
Kung minsan puso't isipan ay naguguluhan,
Hindi na alam kung ano ang pinagdadaanan.
Huwag mag-alala, si ina at ama'y nandyan,
sabihin mo lang, ikaw ay kanilang maiintindihan.
Kaya't sila ay ating bigyang pugay,
Magpasalamat sa lahat ng sakripisyo at inalay.
humingi ng tawad sa kasalanan at sakit na ibinigay,
Wala ng makahihigit pa sa pagmamahal nila nanay at tatay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento