Miyerkules, Abril 6, 2011

-------.

Ilang buwan na ang nakalipas
  Pagmamahal na ito'y hindi na gustong magwakas.
Ang ginusto natin ay wagas
  Sa problema ay wala tayong takas.

Pero puso ang nanaig
  Ayun, buo na ating daigdig.
Ikaw at ako ay umiibig,
   Eto na ang tinatawag na pag-ibig.

Ngunit lahat ay naglaho,
      pagkakaintindihan ay lumalabo.
Hindi mo man narinig ang aking OO,
       sana ay maniwala kang ikaw ay mahal ko.

Mundo ko'y nabigyan ng sigla
     noong ikaw ay nandyan pa.
Bumabalik ang mga alaala
     ang sakit pala kapag wala ka.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento